Mga Dahilan Ng Pagsuway

Mga dahilan ng pagsuway

Answer:

Malawak ang aspeto ng pagsuway. Unang possibleng pumasok sa iyong isipan ay mga kabataan. Hindi bat ang ibang mga teenagers ay dumarating sa puntong nagrerebelde sila. May mga utos ng mga nakatatanda ang minsan ay hindi nila sinusunod. Minsan, sinusubukan ng mga kabataan kung hanggang saan aabot ang pasensya ng isang nakatatanda; hanggang saan pwedeng humindi, puwedeng tumiwalag sa mga nakasanayan. Karaniwang pinakikita sa pelikula ang paggawa ng tao ng mali, upang mapansin siya ng iba. May mga kabataan na may mga magulang na hindi nila nasisilayan dahil sa tawag ng trabaho kung kayat gumagawa sila ng paraan upang mapansin. Sa mabuting paraan, ang iba ay inilalaan ang kanilang panahon sa pag aaral o kung saan man ikasisiya ng kanilang mga magulang, ngunit kapag hindi ito nakakamit, may ibang nag iiba din ang landas gaya ng pagsisimula ng bisyo, paggamit ng droga o pag inom ng alak sa musmos na edad.

Isa pang aspeto kung bakit tayo sumusuway ay dahil walang pumupuna ng ating pagkakamali. Isipin mo, may pedestrian lane na inilaan sa kalsada ngunit ang iba tatawirin pa ang bakod para lamang makapagshortcut, may overpass or footbridge ngunit sa kalsada pa rin dadaan. May mga bagay na tayong nakasanayang gawin, tama man o mali. Hanggat walang nangyayaring masama, walang taong naagrabyado, tuloy ang buhay.

Pero, hindi lahat ng pagsuway ay nagdudulot ng negatibong epekto sa atin. Maaring dahilan ng pagsuway, ang pagpursige sa iyong kalayaan, o kasiyahan. May mga taong hahadlang sa iyong mga pangarap o mithiin sa buhay, dapat ay handa kang ipaglaban ito kahit talikwas ito sa nais ng nakararami o naaayon sa tradisyon.


Comments

Popular posts from this blog

Mula Sa Kuwentong Cupid At Psyche Paano Mo Ito Maiuugnay Sa Iyong Sarili Pamilya Lipunan At Pamahayan